Tagalog News: Kwalipikasyon ng mga kandidato sa Barangay at SK eleksiyon inanunsiyo

2007/09/18

Tagalog News: Kwalipikasyon ng mga kandidato sa Barangay at SK eleksiyon inanunsiyo

Manila (18 September) -- Kasabay ng paghihikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga tatakbo sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) eleksiyon na agahan ang pagbigay ng certificates of candidacies sa Office of the Election Officer, inanunsiyo din nito ang mga kwalipikasyon ng mga tatakbo sa nasabing halalan.

Ayon kay DILG Undersecretary for Local Government Austere Panadero, ang mga kandidato para sa punong barangay at sangguniang barangay kagawad ay kinakailangang Filipino citizens, humigit labing-walong taong gulang, marunong magbasa at magsulat ng Pilipino o local dialect, registered voters at residente ng humigit isang taon sa barangay na kanilang tatakbuhan.

Para naman sa mga tatakbong kandidato ng Sangguniang Kabataan, kinakailangan ding ito ay Filipino citizen, humigit labing-lima hanggang labing-walong taong gulang lamang, qualified voters ng Katipunan ng Kabataan at humigit isang taon ding residente sa barangay na kanilang tatakbuhan.

Inaasahan din ng DILG ang tahimik at matiwasay na pag-apela ng kanilang kandidatora hanggang sa darating na halalan. (Lgtomas/PIA 12)

Cabatuan.com - Kasimanwa.com - Austere Panadero




















Boracay, Aklan