Tagalog News: PGMA pinangunahan ang pagbubukas ng Botika ng Bayan sa Iloilo
PIA Press Release
2009/09/24
Tagalog News: PGMA pinangunahan ang pagbubukas ng Botika ng Bayan sa Iloilo
Iloilo City (24 September) -- Matapos ang pagbisita ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa, pinangunahan nito ang pagbubukas ng ika-15,000 Botika ng Bayan sa Cabatuan, Iloilo.
Ang Botika ng Bayan ay kabilang sa mga programa ng administrasyon na naglalayong mapababa ang presyo ng mga gamot na madalas binibili ng mga mahihirap.
Ito ay ipinapatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa upang mabigyang serbisyo ang mahihirap na mamamayan sa pakikipagtulungan ng Department of Health (D-O-H) at Philippine International Trading Corp. (PITC).
Ang nabanggit na programa ay bahagi ng Half Priced Medicines Program na nilikha ng pamahalaan sa ilalim ng National Drug Policy-Pharmaceutical Management Unit (NDP/PMU 50).
Sa pamamagitan umano ng Botika ng Bayan program, makakabili ang mga mamamayan ng murang gamot kung saan aabot sa 62 percent ang pwedeng matipid ng mga ito kung ikukumpara sa ibang botika. (Lgtomas/PIA 12)
Cabatuan.com - Timeline 2009
|
|