Tagalog News: Ugnayan ng lokal na pamahalaan at simbahan, isinusulong ng lalawigan ng Cotabato
Tagalog News: Ugnayan ng lokal na pamahalaan at simbahan, isinusulong ng lalawigan ng Cotabato
By Shahana Joy E. Duerme
Tuesday 25th of September 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Set. 25 (PIA)--Katuwang ang simbahan, kasalukuyang isinusulong ng mga Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng North Cotabato ang transparency at accountability sa nabanggit na lalawigan.
Ayon kay North Cotabato Governor, Emmylou Mendoza,ang pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan sa simbahan ay maghihikayat ng pakikilahok sa gawain ng pamahalaang nasyunal at maging sa mga konsultasyon at pagbabahagi ng mga impormasyon.
Kaugnay nito, nilagdaan kamakailan ang isang partnership covenant sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan, simbahan at iba pang mga stakeholders na may layuning itaguyod ang tinatawag na “good governance” sa probinsya.
Nabatid na pangunahing saksi sa naganap na aktibidad sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Austere Panadero at Bishop Romulo dela Cruz ng Diocese of Kidapawan.
Ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa isinusulong ng namayapang DILG Secretary Jesse Robredo sa pagbibigay ng tamang serbisyo sa sambayanan. (SJDuerme-PIA12)
Cabatuan.com -
Kasimanwa.com -
Austere Panadero
|
|